 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 13 November 2025 |
| |
|
Tahanan. Hindi lahat ng bahay ay tahanan. Ang bahay ay yari sa bato at bakal, pero ang tahanan ay nabubuo sa katapatan at pagmamahal. Puso, at hindi lugar, ang tahanan ng pag-ibig.
Sa ganito rin maihahalintulad ang Paghahari ng Diyos. Hindi lugar ang nasasakupan ng Kaharian ng Diyos kundi ang mga taong nananalig sa kanya. Kung mayroon mang 'pook' na saklaw ng kanyang paghahari, ito ay ang ating mga puso.
*Huwebes sa Ikatatlumpu't dalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|