Share the Thought by Msgr. Andro
15 November 2025
 
Okey din ang makulit. Ang agad sumusuko ay hindi nagtatagumpay.
Hindi tumigil sa kakulitan ang babaeng balo. Kaya naman, sumuko rin ang hukom na may matigas na puso. Iginawad sa balo ang hihihinging katarungan. Madalas sa pagdarasal ay nagmamadali tayo. Nais nating panahon natin ang nasusunod. Nalilimutan natin may sariling panahon ang Diyos. Tayo'y kikilos, aasang lubos at matiyagang maghihintay.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN