Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
16 November 2025
 
Bagong Templo. Ilang araw lang matapos gumuho ang lumang simbahan dahil sa malakas na lindol, nagpunta ang mga tao sa harap ng gumuhong gusali upang sumimba. Ang sabi nila: "maaring nagiba ng lindol ang aming simbahan, pero hindi kayang igupo ng anumang kalamidad ang aming pananalig."

Sa ebanghelyo, inihayag ni Hesus ang pagkasira ng Templo ng Jerusalem. Sa mga Judio, ito ay halos katumbas ng katapusan ng mundo. Ang kanilang buhay ay umiinog sa Templo.

Ang pagkawasak ng lumang Templo ay hudyat ng pagsisimula ng bagong Templo ng Diyos. Si Hesus ang bagong templo sapagkat siya ang ganap na pananahan ng Diyos sa tao.

Sa binyag at pananalig, tayo ay naging bahagi ni Hesus, ang buhay na templo. Tungkulin nating tumulong sa pagbubuo ng kanyang Simbahan. Sa I Cor. 12, 1-12, inihalintulad ang simbahan sa katawan na may kanya-kanyang gampanin.

Ang presensya ng Diyos ay nasa sa ating bawat pagbabahaginan ng mga kaloob (koinonia). "Walang mahirap na walang maibibigay; at wala ring mayaman na walang pangangailangan."

*Ikatatlumpu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

#StewardshipMonth
Buhay-Katiwala

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN