 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 20 November 2025 |
| |
|
Pagtangis. Tinangisan ni Hesus ang Templo. Ang Kanyang luha ay hindi lamang pagdadalamhati kundi isang panawagan ng pagbabalik-loob. Kung paanong ang Templo ay tahanan ng presensya ng Diyos, ganoon din ang sangnilikha — isang banal na espasyo kung saan nararapat mamayani ang katarungan, paggalang, at pag-ibig.
Ngayon, maririnig natin ang panaghoy ng kalikasan—ang mga tubig na nalalason, kagubatang nauubos, at pamayanan na inuulan ng mga trahedyang gawa ng tao. Waring nauulit ang tagpong tinangisan ni Hesus: ang pagkawasak ng Templong ipinagkatiwala sa atin—ang daigdig.
Ang pagtangis ni Hesus ay panawagan sa pagbabagong ekolohikal: ibalik ang sanlibutan bilang isang banal na lugar kung saan ang bawat nilalang ay may dangal at pag-asa.
*Huwebes sa Ikatatlumpu't tatlong Linggo sa Karaniwang Panahon
#LakadPanaghoyParaSaSangnilikha #NoToQuarrying #StopCoal #rejectbanahawwindmills |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|