 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 23 November 2025 |
| |
|
|
Hari ng habag. Ganyan si Cristo. Sa huling sandali ay nakiusap ang magnanakaw at siya ay kinahabagan. "Ngayon din ay isasama kita sa paraiso." Ang ibig sabihin ay "ngayon mismo." "Bago lumubog ang araw" ay kakamtan niya ang paraiso. At ano ang "paraiso?" Ito ay paalaala ng halamanan sa Eden kung saan kapiling nina Adan at Eva ang Diyos. Ganyan kinahabagan ni Cristo ang isang makasalanan. Ganyan ang kanyang paghahari. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|