 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 23 November 2025 |
| |
|
"Last." Lahat ng "last" o huli ay crucial, decisive. Make or break ika nga. Do or die. Sa basketbal, crucial ang last two minutes. Sa isang malapit nang mamatay, decisive ang last will.
Ngayon ay last Sunday ng taon ng Simbahan, Kapistahan ng Kristong hari. Kaya crucial yung tanong na, "sa dulo o katapusan, sino o ano ang naghahari sa buhay natin?" Tunay nga, "we die as we live." Kinamamatyan ng tao ang mga pasya na kanyang ginawa. Mahirap mabago agad agad kapag matigas na ang puso at gawi.
Sa huling araw, malalantad ang tunay nating pagkatao. Kung ang apoy ay nagpapalitaw sa kinang ng ginto, ang paghuhukom ay maghahayag kung tayo ay tunay o huwad na Kristiyano.
Sa dalawang magnanakaw sa tabi ni Hesus, ang huling sandali ang nagbunyag ng kanilang "existential option": for or against God. Kay Dimas, ang mabuting magnanakaw, may espasyo pa ang mabuti kanyang buhay. May puwang ang grasya. Kaya sa huli, nagawa niyang pumili nang matinĂ´. His end reveals the kind of stuff he's made of. Subalit yung isang magnanakaw, sarado na ang puso. Nabuhay na magnanakaw, namatay na magnanakaw. He has become what he has done. Kinamatayan niya ang pasyang kaniyang pinili.
Sa kabilang dako, hinuli ni Dimas ang kanyang last chance. Ito ang kanyang kairos - ang sandali ng grasya. Kaya sabi ni Hesus, ngayon din ay isasama kita sa paraiso.
*Huling Linggo sa Taon Liturhiko, Kapistahan ng Kristong Hari |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|