Share the Thought by Msgr. Andro
27 November 2025
 
Positibong pananaw. Ito pa rin ang mensahe ng ebanghelyo. Sa gitna ng kaguluhan ay darating ang Anak ng Tao. Ito ay magbabadya na malapit na ang pagliligtas. Taglayin natin ang positibong saloobin. Huwag paghariin ang takot kundi ang pagtitiwala sa Diyos. Huwag tumingin sa dilim ng gabi kundi sa liwanag na ibinabadya ng bukang-liwayway. Huwag titigil sa lungkot ng Biyenes Santo kundi sa luwalhati ng Linggo ng Pagkabuhay.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN