Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
27 November 2025
 
Dayuhan. Isang tukso ang ituring na permanente ang buhay natin sa lupa. Ang totoo, tayo ay mga dayuhan at nakikiraan lamang sa mundong ito. Maglalaho at lilipas ang ating pansamantalang tirahan.

Hindi dapat paalipin ang ating puso sa mga bagay na lumilipas. Lagi tayong punuin ang ating puso ng pag-asa sa pagdatinf ng Panginoon. Tulad ng mga unang Kristiyano, maging ating dasal ay, "Maranatha." Halina, Panginoong Hesus.

*Huwebes sa Ikatatlumpu't apat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN