Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
30 November 2025
 
Adbiyento. Huwag na nating hintayin ang huling paghuhukom. Nagaganap ito araw-araw. Sa ating mga ginagawang pasya, tayo ang gumagawa ng kahatulan sa ating sarili.

Ang kahulugan ng salitang 'Adbiyento' (mula sa katagang Griego, 'parousia'; at sa Latin, 'adventum') ay 'pagdating' o 'presensya.'

Ang pagdating ng Diyos sa ating piling ay naganap sa kasaysayan, sa pagsilang ni Hesus. Magaganap ito sa kaluwalhatian sa pagdating Niya sa katapusan ng panahon.

Sa pagitan ng dalawang pagdating, may isa pang anyo ng pagdating na makakubli at natatago. Si Hesus ay dumarating at nararanasan sa araw araw.

Maging andam at mapagbantay tayo. Masasalubong lang natin si Hesus nang marapat sa HULING ARAW kung kinakatagpo natin Siya sa BAWAT ARAW ng ating buhay.

Katagpuin natin si Hesus hindi lang sa loob ng Simbahan kundi sa ating karanasan. Matuto tayong bumasa ng mga tanda ng panahon.

*Unang Linggo ng Adbiyento

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN