Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
05 December 2025
 
Liwanag. Tulad ng kasalanan, ang karimlan ay umaalipin sa tao. Nawawalan tayo ng layang kumilos. Nagiging sanhi ito ng takot at paralisis.

Sa pagpapagaling sa dalawang bulag sa ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus na siya ang Liwanag. Kinalag niya ang pagkaalipin nila sa kadiliman - hindi lang ng paningin kundi ng kanilang puso. Hindi lang nakakita ang kanilang mata. 'Nakita' din sila kay Hesus.

Kayang pawiin ng ilaw ng parol at christmas lights ang dilim ng ating bahay, subalit tanging Liwanag ni Kristo gagapi sa dilim sa ating mga puso.

*Biyernes sa Unang Linggo ng Adbiyento

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN