 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 07 December 2025 |
| |
|
|
Nagsisisi naman pero umuulit muli. 'Yan ang problema natin. Dinirinig naman natin ang panawagan ni Juan Bautista na tayo ay magsisisi. Dinadagukan pa ang dibdib bilang tanda nito. 'Yon lang, matapos ang ilang araw ay balik din sa dati. Ano ba ang sabi ng propeta? "Metanoieo" sa wikang Griego na katumbas ng "shub" sa wikang Hebreo. Kung sa buhay-sundalo ay "about face." Ito ay 180 degrees. Talikod talaga sa kasalanan. Huwag nang babalikan. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|