 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 07 December 2025 |
| |
|
Pagbabago. Sa daan ng pagbabalik-loob, lumalawak ang ating pananaw. Nababago ang ating pagtingin sa bagay-bagay sapagkat ang ginagamit natin ay ang 'lente' ng Diyos at pananaw ng pananampalataya.
Sabi ni Stephen Covey, "We see the world not as it is, but as we are conditioned to see it." Malaki ang impluensya ng materyalismo sa ating pagtingin sa mundo. Kailangan natin ang radikal na pagbabago ng isip at pananaw upang magawa nating talikdan ang lumang gawi at paraan ng pamumuhay.
Maihanda nawa natin ang daraanan ng Panginoon patungo sa ating mga puso.
*Ikalawang Linggo ng Adbiyento |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|