Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
08 December 2025
 
Walang Kaagaw. Si Maria ang unang dumanas ng Pagdating (Adbiyento) ng Diyos sapagkat sa kanyang buhay nagkatawang-tao ang Kabutihan.

Siya ang tunay na "Inmaculada" sa tunay na kahulugan nito. Sa Biblia, ang ibig sabihin ng pagiging malinis ay ang maging dalisay, walang halo, single-hearted, walang ibang kaagaw ang Diyos. Ang taong malinis ay walang masamang paghahangad sa puso, walang karibal sa pagmamahal: totally God's.

Sa ating Mahal na Ina naganap ang sinabi ng isa sa walong punong-kabanalan: "Blessed are the pure of heart, for they shall see God."

*Disyembre 8, Kapistahan ng Inmaculada Concepcion

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN