Share the Thought by Msgr. Andro
09 December 2025
 
"Pabayaan na 'yan. Tutal, iisa naman." Ganyan ang kaisipan ng tao pero iba ang saloobin ng Diyos. Siya ang mapagmalasakit na pastol. Pilit niyang hahanapin ang kaisa-isang tupang nawawala at napawalay sa kanyang kawan. Sana'y pagtuunan ng guro kahit ang kaisa-isang pasaway na estudyante. Sana'y mahalin ng magulang ang kaisa-isang suwail na anak. Paano kung matigas ang puso ng Pastol? Paano kung tayo 'yong nawawalang tupa?

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN