 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 09 December 2025 |
| |
|
Pastol. Buhat sa langit, bumaba ang Diyos sa ating abang kalagayan upang itaas ang dangal ng ating lipi. Tulad ng isang tunay na pastol, naging taong tulad natin ang Diyos upang sagipin ang mga naliligaw.
Ang mga nasa lugar ng pribilehiyo ay nasa posisyon para makita ang katatayuan ng mga nasa laylayan. Higit na mabigat ang kanilang pananagutan para dumamay. Tanaw nila "mula sa itaas" ang malaking agwat na naghihiwalay sa mga 'mayroon' at 'wala.'
Nawa'y maging pastol tayo sa mga nawawala at nakakaligtaan.
*Martes sa Ikalawang Linggo ng Adbiyento |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|