 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 12 December 2025 |
| |
|
Pag-asa. Sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe, naririnig natin ang mensahe ng anghel kay Maria: “Huwag kang matakot.” Tunay na ang Diyos ay laging malapit sa atin sa mga sandali ng pangamba at ligalig.
Ang debosyon kay Maria ay paanyayang tularan siya: maging daluyan ng pag-asa sa mga maliliit, mga hindi pinakikinggan, at mga sugatan sa lipunan. Tulad ng ginawa niya kay Juan Diego, nawa’y madama ng iba sa pamamagitan natin ang mensaheng: “Nandito ang Diyos; huwag kang matakot.”
*Disyembre 12, Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Guadalupe |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|