Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
15 December 2025
 
Pagtanggap. May mga taong nalulugod na manatili sa dilim. Tahasang tumatalikod sa liwanag.

Ganito ang katatayuan ng mga eskriba at pariseo. Ayaw nilang kilanlin na ang kapangyarihan ni Juan na magbinyag ay galing sa Diyos. Hindi nila matanggap ang radikal na pagbabagong hatid ng pagdating ng Mesias. Mas pinili nilang makulong sa lumang kaisipan kaysa tanggapin ang bagong buhay na mensahe ng ebanghelyo.

Maraming tao ang nalalampasan ng Pagdating ng Diyos sa kanilang buhay sapagkat ayaw nilang harapin ang katotohahan.

Ang Adbiyento ay paanyaya upang ang ating puso ay maging bukas sa pagkilos ng Diyos sa ating buhay.

*Lunes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN