 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 16 December 2025 |
| |
|
Liwanag. What is to give light must endure burning (V. Frankl). Para makapagbigay liwanag, ang apoy ay dapat magningas. Habang ito'y nagliliyab, may elementong dapat matupok para patuloy na magbigay ng liwanag.
Bilang mga anak ng liwanag, tayo'y tinatawag magbigay-saksi sa kabutihan. Sa gitna ng karimlan ng katiwalian, kailangan nating iwan ang kinamihasnang sistema ng buhay upang mamayani ang katwiran. Kaylanman ay di kayang gapiin ng dilim ang liwanag.
*Disyembre 16, Lunes sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento, Unang araw ng Misa de Gallo |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|