Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
17 December 2025
 
Dungis. Hindi lahat ng pangalang kasama sa talaang-angkan ni Hesus ay maka-Diyos at banal. Maraming may kapintasan at pagkukulang. May mga haring mapusok at taksil. Ilang babae ang hindi maganda ang reputasyon sa lipunan.

Sa kabila ng lahat ng ito, niloob ng Diyos na dito magmula ang Mesias. Kahit maraming batik ang ating angkang pinagmulan, higit pa ring mangingibabaw ang grasya ng Diyos. Patunay lamang ito na wala sa merito o kabutihan ng tao ang pagdatal ng kaligtasan sa mundo, kundi sa kagandahang-loob ng Diyos.

*Disyembre 17, Ikalawang Araw ng Misa de Gallo

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN