Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
19 December 2025
 
Pag-asa. Walang imposible sa Diyos. Kumikilos siya sa mga sandaling akala natin ay wala nang magagawa. Tinutugon Niya ang ating kahilingan.

Sabi ni Sta. Catalina de Siena, "ang pag-asa ay ang radikal na pagtanggi na bigyan ng limitasyon ang maaaring magawa ng Diyos sa ating buhay.”

Sa buhay, may mga sandali na tila walang bunga ang ating mga pagpupunyagi. May mga aspeto ng buhay na wala tayong magawa para mapaunlad at mapagyabong. Dapat nating alalahanin na sa kamay ng Diyos, walang di mapangyayari.

Ang Diyos na may-ari ng lahat ang kumikilos upang mapagbunga ang mga 'baog' na bahagi ng ating pamumuhay sa paraang higit pa sa ating inaasahan.

*Disyembre 19, Misa de Gallo

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN