 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 21 December 2025 |
| |
|
|
Mapalad ang mga nagtataglay ng pangalang "Emmanuel." Sa Hebreo ["Immanu-El"], ito ay nangangahulugang "Kasama natin ang Diyos." Hango sa Is. 7:14, ito ay hiniram ni San Mateo 1:22-23 upang bigyang-diin ang presensya ng Diyos. Pag-asa ang dulot ng gaitong pananahan ng Diyos sa piling ng tao. Hindi man "Emmanuel" ang ating pangalan, dumaranas tayo ng presensya ng Diyos. Wala tayong pangamba. Hindi tayo mag-iisa. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|