Share the Thought by Msgr. Andro
22 December 2025
 
Magnificat. Sa kanyang awit, ibinunyag ni Maria ang mga huwad na diyos ng mundo.

•The Idolatry of Power. We see this idol in our society when authority is used for self-preservation, leadership becomes entitlement, public office becomes personal property.

“Ibinagsak niya ang mga makapangyarihan sa kanilang luklukan.” Ang kapangyarihan ay hindi para mangibabaw, kundi para maglingkod. Kapag ginamit ito para sa sarili, nawawala ang katarungan. Sa kaharian ng Diyos, ang dakila ay yaong marunong yumuko.

• The Idolatry of Money. When money becomes god: the poor become invisible, workers become disposable, dignity is measured by income.

“Pinauwi niyang walang dala ang mayayaman.” Hindi ang yaman ang kinokondena ng Diyos,
kundi ang pusong ayaw magbahagi.
Kapag ang pera ang naging diyos, ang mahihirap ang napag-iiwanan.
Ang nagugutom ang pinupuno ng Diyos; ang sakim ang nananatiling hungkag ang buhay.

• The Idolatry of the Ego. Pride appears when leaders refuse accountability,
the educated look down on the poor,
even church people think holiness makes them superior.

"Ipinangalat niya ang mga palalo sa kanilang kapalaluan.” Ang kayabangan ay humahadlang sa biyaya.
Kapag puno ng sarili ang puso, wala nang puwang ang Diyos.

Pinapaalala ng Magnificat: Hindi maliligtas ng talino, dangal, o pangalan ang tao—kundi ang Diyos.

*Disyembre 22, Simbang Gabi

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN