Share the Thought by Msgr. Andro
23 December 2025
 
Huwag mong sabihing wala ka pang natatanggap na regalo. Kaninang umaga ay dalawang regalo ang binuksan mo -- ang iyong MGA MATA. "Regalo" ang ibig sabihin ng pangalang JUAN. Tunay nga naman, si Juan Bautista ay regalo sa magkabiyak na Zacarias at Elisabet. Siya rin ay regalo sa bayan ng Diyos. Kabi-kabila ang bigayan ng regalo. Ang tinanggap mo'y hindi nakabalot -- ang iyong BUHAY at KALUSUGAN.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN