 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 23 December 2025 |
| |
|
Regalo. Ang pagsilang ni Juan Bautista ay nagpapahayag na ang Diyos ay tunay na mapagbigay at ang buhay ay isang dakilang regalo. Gayunman, dahil sa materyalismo at umiiral na kultura ng kasakiman, nababaluktot ang kahulugan ng regalo sa anyo ng panunuhol at kasangkapan para sa pansariling interes. Ang likas na yaman—regalo ng Lumikha—ay inaabuso at sinisira kapalit ng panandaliang pakinabang.
Bunga nito, lumalalim ang pagkakait sa mahihirap at lumalawak ang agwat sa lipunan, sapagkat nalilimutan ang prinsipyo ng pagbabahagi at ng karapatan ng lahat sa yaman ng mundo.
Muling ibinabalik ng Ebanghelyo ang tunay na diwa ng regalo bilang kusang-loob, walang kapalit, at para sa kapwa. Diyos ang unang nagbigay, at tinatawag tayong gamitin ang Kanyang mga kaloob sa paglilingkod.
*Disyembre 23, Simbang Gabi |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|