Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
26 December 2025
 
Saksi. Ang Pasko ay hindi lamang araw ng pagsasaya; ito ay panahon din ng pagsaksi. Ito ang dahilan kung bakit isang araw makalipas ang Pasko, ipinagdiriwang ng Simbahan ang Kapistahan ni San Esteban, ang unang Kristiyanong martir.

Ang pagiging martir para kay Hesus hindi lang sa pamamagitan ng pagbubuwis ng buhay, kundi sa pamamagitan ng tapat na pamumuhay.

Sabi nga, “Let us take Christ out of CHRISTmas.” Hindi dapat 'ikulong' si Hesus sa isang araw lamang. Ilabas natin Siya sa Pasko upang maipahayag araw-araw sa iba't ibang larangan ng buhay sa lipunan.

*Disyembre 26, Kapistahan ni San Esteban
Oktaba ng Pasko ng Pagsilang

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN