 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 25 December 2025 |
| |
|
|
Kapitbahay. Katabing bahay. May bahay ka. May bahay din siya sa tabi mo. Ganyan maaaring ipaliwanag ang malalim na misteryo ng Pagkakatawang-Tao ni Jesus. Ani Juan, "Naging tao ang Salita at siya'y nanirahan sa piling natin." Ginamit ang salitang Griego "eskēnōsen"na ang ibig sabihin ay "he pitched his tent." Ayan si Jesus. May "tolda." May "bahay" sa tabi natin. Una, bilang kapitbahay ay kilala niya tayo. Ikalawa, may mahihingan tayo ng saklolo. 'Yan ang galak ng Pasko. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|