Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
27 December 2025
 
Pasko. Mula sa sabsaban, dinadala tayo ng ebanghelyo sa libingan. Sa loob ng Oktaba ng Pasko, ipinapaalaala ng Kapistahan ni San Juan Ebanghelista (Disyembre 27) ang kahulugan ng misteryo ng Pasko. Sa gitna ng masayang pagdiriwang ng pagsilang ng Mananakop, ipinapaalaala ng Simbahan na ang tugatog ng misyon ng Mesias ay ang pag-aalay ng buhay sa krus. Sa kanyang kamatayan, nagkaroon tayo ng bagong buhay.

Sa harap ng di malirip na hiwaga ng Pasko ni Kristo, nawa ang ating buhay ay maging buhay na ebanghelyo na magpapatotoo sa tagumpay ng Diyos sa kamatayan at sa kasalanan.

*Disyembre 27, Kapistahan ni San Juan Ebanghelista, Oktaba ng Pasko ng Pagsilang

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN