Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
28 December 2025
 
Mag-anak. Ang Anak ng Diyos ay isinilang at naging bahagi ng isang angkan. Dumanas ng krisis at pag-uusig, tulad ng pagtakas tungo sa Ehipto dahil sa banta ni Herodes.

Sa harap ng maraming pagsubok sa pamilya, sina Hesus, Maria at Jose ang ating inspirasyon huwaran bilang:

1. Pamilyang nagkakaisa. Hindi lamang ugnayan sa dugo, kundi bigkis ng pananampalataya ang nagbubuklod sa bawat Kristiyanong angkan. Mas matibay ang ugnayan ng pamilyang nakaugat sa dasal at pananalig.

2. Pamilyang nagkakaiba. Sa tunay na komunidad, ang pagkakaiba ay iginagalang at ipinagtatanggol. Hindi sinisira, kundi itinataguyod ng pag-ibig ang pagkakaiba at kasarinlan ng bawat kaanib. Tayo ay magkakaiba sapagkat iba't iba ang ang personalidad at magkakaiba ng kaloob (1 Cor 12: 1ff).

3. Pamilyang nagbabahaginan. Sa bawat pamilya, ang pagkakaiba ang batayan ng pagkakaisa. Higit na tumitingkad ang kaisahan sa pagbabahaginan ng mga kaloob.

4. Pamilyang nagmimisyon. Likas sa pag-ibig ang kumilos patungo sa labas. Pagbabahagi ang ekspresyon ng pag-ibig. Ganito rin sa bawat pamilyang Kristiyano. Likas ang pagiging misyonero. Love begins at home but it must not end there. Love, of its nature, is given out and shared.

*Kapistahan ng Banal na Mag-anak, Linggo sa Oktaba ng Pasko ng Pagsilang (o Disyembre 30)

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN