 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 29 December 2025 |
| |
|
Tinadhana. Iba ang love story ng Diyos at tao. Nakatadhana itong maganap. Kahit na nagtaksil ang tao, ang Diyos ay nanatiling tapat. Tinupad niya ang kanyang pangako.
Ang Pagsilang ng Mananakop ay kongkretong katuparan nito. Mapalad si Simeon nang makita at mahawakan niya ang batang si Hesus.
Si Simeon ay kumakatawan sa bawat isang nananalig at naghihintay sa kaganapan ng plano ng Diyos. Sa kanyang puso, alam niyang hindi siya mabibigo. "A faithful believer is a true lover." Sa istorya ng pag-ibig ng Diyos, itinadhanang makakatagpo ng Diyos sa pagsilang ni Hesus.
*Disyembre 29, Oktaba ng Pasko ng Pagsilang |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|