Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
30 December 2025
 
Ambag. Sa Diyos ay walang limitasyon ng panahon. Wala Siyang pinipiling oras sa maaaring magawa ng tao. Kumikilos ang kanyang biyaya sa lahat ng yugto ng ating buhay. Walang bata o matanda sa larangan ng paglilingkod. Bawat isa ay may maaaring maiambag sa kaganapan ng plano ng Diyos. Lahat ay tayo ay katiwala na dapat magsulit sa May-ari ng panahon at buhay na hiram.

Tulad ni Ana sa ebanghelyo, nawa’y kamtan din natin ang biyayang masilayan ang Mesias sa wakas ng ating buhay.

*Disyembre 30, Oktaba ng Pasko ng Pagsilang

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN