Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
31 December 2025
 
Kamukha. Sa huling araw ng taon, ipinahahayag sa ebanghelyo ang kabuuan ng kahulugan ng Pasko: "At ang Salita ay naging tao."

Nang loobin ng Diyos na magbunyag ng sarili, pinili niyang maging ating kamukha. Kay Hesus, naging ka-uri natin ang Diyos.

Kung gusto nating makita ang Diyos, hanapin natin siya sa ating kapwa. Bawat tao ay kamukha ng Diyos.

Sa istorya ng pagliligtas, ang tanging lugar ng pagpapakita ng Diyos ay ang lugar ng karalitaan at kababaan. Hindi natin makakatagpo ang Diyos sa karangyaan at ingay ng pagdiriwang, kundi sa kapakumbabaan ng paglilingkod sa nangangailangan.

*Disyembre 31, Oktaba ng Pasko ng Pagsilang

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN