 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 01 January 2026 |
| |
|
Blessing. Bearing. Building. Sa pagsisimula ng Bagong Taon, hindi tayo binabasbasan ng Simbahan bilang mga indibidwal lamang, kundi bilang sambayanan. Ang Pagpapala ni Aaron ay hindi pribadong dasal: “Pagpalain kayo… at bigyan kayo ng kapayapaan.” Ang pagpapala ay ibinibigay upang ibahagi.
*BLESSING: “Paliwanagin nawa ng Panginoon ang Kanyang mukha sa iyo…” Sa Pasko, ang mukhang ito ay nagkaroon ng pangalan at katawan—Hesus. Ito ang sandaling ang Diyos ay pumasok sa daloy ng kasaysayan. "Nang dumating ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, na ipinanganak ng isang babae.” (Gal. 4:4)
Tanong: Makikita ba ang mukha ng Diyos sa ating lipunan ngayon? O natatabunan ito ng: katiwalian, karahasan at pagkamakasarili. Ang pagpapala ay nagiging paghatol kapag tinanggap ngunit hindi isinabuhay.
*BEARING: Hindi lang tinanggap ni Maria ang pagpapala, ipinaglihi niya ito. Ang Diyos ay hindi naghahanap ng tagasunod lamang kundi tagapagdala. Hindi lamang alagad kundi Ina. Nais ng Diyos na patuloy na isilang sa loob ng kasaysayan sa pamamagitan ng Kanyang bayan. Sa Simbahan, hindi iilan ang may dala ng Kristo— lahat ay kasali.
Kung ang Simbahan ay tahimik sa harap ng kawalang-katarungan, kung nakikinig lamang sa mayayaman at hindi sa mga nasa laylayan, hindi natin dinadala si Kristo sa daan ng kasaysayan.
* BUILDING TOGETHER: “At bigyan ka nawa ng kapayapaan.” Ang kapayapaan sa Bibliya ay shalom— hindi katahimikan kundi kabuuan ng buhay. Ang kasaysayan ay paglalakbay ng sangnilikha patungo sa pagkakaisa kay Kristo. Ang Bagong Taon ay sama-samang paglalakbay patungo kaganapan kay Kristo.
Sa Bagong Taon, malinaw ang hamon: ang pagpapala ay dapat makita, ang Kristo ay dapat isilang, at ang Simbahan ay dapat maglakbay nang sama-sama.
Sa Jubileo ng Pag-asa, huwag nating ikulong ang Kristo sa Pasko. Ilabas natin Siya sa mga lansangan ng kasaysayan.
*Enero 1, Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|