 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 05 January 2026 |
| |
|
Bagong Buhay. Ang Zabulon at Neptali ay lugar ng mga pagano. Sumasagisag ito sa mundong balot sa karimlan. Dito nagsimulang mangaral si Hesus, at sa isang simbolikong paraan, ay naganap sa daigdig ang pangako ng isang bagong pasimula.
Liwanag ang hatid ng pangangaral ni Hesus. Kung walang liwanag, wala ring buhay; ang ating mga mata ay walang matatanaw, at sa ating landas ay walang magsisilbing gabay. Ang pangangaral ni Hesus ay isang bagong paglikha. Binigyan tayo ni Hesus ng bagong buhay at pananaw.
*Lunes kasunod ng Epipaniya |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|