Share the Thought by Msgr. Andro
06 January 2026
 
Matagal nang humihiling ng kapelyan ang mga Filipino sa Parma, Italya. Mayroon nga naman sa Milan, Florence, Modena at iba pa. Ngayon ay nabubuhay ang kanilang pag-asa. Sila 'yong mga tupang nangangailangan ng pastol. Ganyan ang damdamin ni Jesus ayon sa salaysay ng ebanghelyo. Nahabag siya sa mga tao. Tinuruan sila at pinakain din. Sabi ng Bikaryo Heneral sa Parma, "Hindi ko maisip na ang tulad mo ay laang magmisyon." Napangiti lamang ako.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN