 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 06 January 2026 |
| |
|
Ambag. Malimit kaysa hindi, ang 'ayuda' ay hindi nakakatulong sa pinagbibigyan. Kung minsan, nauuwi ito sa kultura ng panghihingi. Nakakawala rin ito ng tiwala sa sarili at sinisikil ang kakayahang linangin ang sariling kakayahan.
Hindi ganito ang pamamaraan ni Hesus. Hindi nagaganap ang himala nang mula sa wala. Laging may 'ambag' ang tao para mangyari ang milagro.
Kinikilala ng Diyos ang anumang likas na taglay natin upang doon magsimulang kumilos ang kanyang pagbibiyaya.
*Martes kasunod ng Epipaniya |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|