 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 08 January 2026 |
| |
|
Dukha. May mas malalim na anyo ng karukhaan ang tinutugunan ng pagdating ng Mesias. Ito ay ang pagkagutom ng espiritu. Hindi ito kayang punuan ng kaligayahang dulot ng salapi.
Sa ‘programa’ ng pangangaral ni Hesus, una sa listahan ang mga dukha. Sa pasimula ng kanyang ministeryo, ipinahayag Niya: "...hinirang niya ako upang ipangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita.”
Sa gitna ng lipunang labis ang pagpapahalaga sa salapi, ang mga dukha ay mabisang saksi sa yaman at kapangyarihan ng Salita ng Diyos sa ating buhay.
*Huwebes pagkatapos ng Epipaniya |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|