Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
10 January 2026
 
Kaakibat ng katanyagan ay ilusyon ng kadakilaan. Sa rurok ng kasikatan, may panganib na maging di totoo sa sarili.

Subalit ang taong tapat sa sarili ay hindi nagpapanggap. Ipinamalas ito ni Juan Bautista. Hindi niya inako ang dangal na hindi para sa kanya.

Sa ating pagpanaw sa sarili, si Kristo ang mabubuhay sa atin. Ito ang tunay na Epipaniya ng Diyos.

*Sabado kasunod ng Epipaniya

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN