Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
12 January 2026
 
Karaniwan. Tapos na ang panahon ng kapaskuhan. Bumabalik na tayo sa mga "karaniwang panahon" sa liturhiya ng Simbahan. Subalit mula sa pananaw ng pananampalataya, walang ordinaryo o karaniwan. Lahat ng panahon ay espesyal at natatangi. Bawat sandali ay okasyon ng pagtawag ng Diyos.

Ito ang ipinaalaala ng istorya ng pagtawag ni Hesus sa mga unang alagad. Sa isang karaniwang lugar at panahon, binago ng Diyos ang buhay ng mga mangingisda sa Galilea. Magmula noon, sila ay mamamalakaya na ng mga tao.

Gawin nating ang bawat oras ay maging sandali ng biyaya.

*Lunes sa Unang Linggo ng Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN