Share the Thought by Msgr. Andro
12 January 2026
 
Ang kasunuran ay may kaakibat na pagkamatay sa sarili. Mayroon kang iiwan, kaya't may sakit sa kalooban. Sa pagsunod nina Simon at Andres, Santiago at Juan sa Panginoon ay kinailangang iwan nila ang lahat -- ang pamilya at ang hanapbuhay. Kaming mga pari ay nangakong susunod sa obispo at sa kanyang kahalili. Sa tuwing kami ay isinusugo ay may pagtanggi sa sariling kagustuhan. Masakit subalit sa grasya ng Diyos ay nalalampasan.

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN