 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 16 January 2026 |
| |
|
Mahirap manalig nang nag-iisa. Hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ay malakas. May panahon nakakaranas tayo ng kahinaan. Kailangan natin ng karamay. Kulang ang buhay kung walang kapanalig. Sila ang kaagapay natin sa paglapit sa Diyos.
Dahil sa tulong ng kanyang mga kaibigan, nakalapit kay Jesus ang paralitiko upang kamtin ang biyaya ng kagalingan. Kailangan natin ang isa't isa upang manatili kay Hesus.
*Biyernes sa Unang Linggo ng Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|