Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
20 January 2026
 
Pahinga. Sa biblia, ang pahinga ang tugatog ng paglikha. Sa tuwing tayo ay mangingilin, kinikilala natin Diyos bilang simula at hantungan ng ating paggawa.

Sa labis na paggawa, nagiging alipin tayo ng paghahangad at ginagawa nating diyos ang trabaho. Nawawala ang tunay na layunin ng paggawa. Sinisira at inaabuso ng tao ang kalikasan dahil sa pagnanasang magkamal ng yaman.

Walang kabuluhan ang pagpapagal sa mundo kung sa dakong huli, hindi tayo hahantong sa kapahingahan sa Diyos.

*Martes sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN