Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
21 January 2026
 
Moral. Walang dapat maging hadlang para ipagpaliban ang paggawa ng mabuti sa kapwa. Ito ang pangunahing layunin ng batas. Ginawa ang batas para paglingkuran ang tao at iangat ang kanyang dangal.

Nawawala ang obligasyong moral na sumunod sa batas na di makatarungan. Ipinaalaala ni Hesus na ang layunin ng Sabat ay ang magligtas ng buhay. Tao ang una bago ang batas. Kagalingan at hindi kapahamakan ang layunin ng batas.

*Miyerkules sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN