 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 24 January 2026 |
| |
|
Baliw. Hindi normal ang turing ng mundo sa mga taong taliwas ang kaisipan at gawi sa ginagawa ng karamihan. Kalimitan, nililibak ng lipunan ang mga taong tapat at banal sapagkat hindi ito nasanay sa daan ng katwiran. Kay Hesus, nagsimula ang "bagong normal" ng uri ng pamumuhay at pakikitungo sa kapwa.
Sa pamayanang ang pandaraya at pagnanakaw ay isang kalakaran, itinuturing na kabaliwan ang maging tapat.
"We cannot always follow the crowd, if we want to follow Christ." Handa kaya tayong maituring na "baliw" para kay Hesus at sa aral ng ebanghelyo?
*Sabado sa Ikalawang Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|