 |
| |
| |
| Share the Thought by Msgr. Andro |
| 28 January 2026 |
| |
|
|
Ningas-kugon. Sandaling maapoy ngunit agad napugnaw. Parang ganoon ang mga binhing nalaglag sa kabatuhan. Sumibol naman ngunit agad namatay. Hindi nagtagal. Hindi nanatili. Kapag ang salita ng Diyos ay sa taynga lamang nakararating at hindi tumutuloy sa puso, agad itong mawawaglit at malilimutan. Hindi mananatili ang salitang sa taynga lamang napalagak. Dapat matanim sa puso upang mamulaklak at mamunga. |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|