 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 29 January 2026 |
| |
|
Patas. Maaaring isipin ng ilan na tila hindi patas si Hesus nang sabihin niya sa talinghaga: "ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.”
Pero sa batas ng buhay, anumang kaloob na hindi natin nilinang at pinagyaman ay kusang nawawala. Hindi ito "binawi" ng nagkaloob, kundi kusang nawala dahil sa ating pagpapabaya.
Patas ang paghatol ng Diyos. Ang sukatang gagamitin Niya ay hindi hihigit sa pagpapalang kanyang bigay.
*Huwebes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|