 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 30 January 2026 |
| |
|
Pagsibol. Tulad ng binhi na tumutubo nang kusa, ang ating buhay ay mabagal at banayad. Ang pag-ibig ay nangangailangan ng oras upang umusbong at lumago. Sa buhay, ang maliliit nating gawa ang tunay na mahalaga.
Ang Paghahari ng Diyos ay tulad ng mabagal subalit tiyak na pagsibol ng binhi. Hindi tayo dapat mag-alinlangan sa presensya at pagkilos ng Diyos sa ating buhay. Pagbubungahin Niya ang anumang simpleng paglilingkod o kagandahang loob na ating ginagawa sa bawat araw.
*Biyernes sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|