Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
31 January 2026
 
Krisis. Sa biblia, ang bawat krisis ay sandali ng desisyon. Ang salitang 'krisis' ay nagmula sa katagang Griego, 'krinein,' na ang kahulugan ay 'magpasya.'

Ang mga pagsubok ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon para magdesisyon. Sa bawat daluyong sa dagat ng buhay, piliin natin si Hesus. Sa kanya matatagpuan ang kaligtasan. Siya ang may kontrol sa ating buhay at kasaysayan.

*Sabado sa Ikatlong Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN