Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel
01 February 2026
 
Maling Pag-ibig? Ang maling pag-ibig ay hindi kakulangan ng pag-ibig, kundi pag-ibig na mali ang inuuna. Kapag ang nilikha ang pumalit sa Maylikha, kapag ang pansamantala ang ginawang panghuli, doon nagsisimula ang ating pagkasira. "In the end, it is not what we hate but what we love that will ruin us." Ito ang mensahe ng 'Punong-Kabanalan' sa ebanghelyo: iwinawasto nito ang ating mga pag-ibig.

I. When Love of Possession Possesses Us
Sino ang mga Mapalad? Hindi yaong walang pag-aari, kundi yaong hindi inaangkin ng kanilang mga pag-aari. Kapag mas inuuna natin ang pagmamahal sa seguridad kaysa pagtitiwala sa Diyos.

Kapag mas minamahal natin ang yaman kaysa sa pag-asa sa Diyos, nawawala ang ating kalayaan. Nawa'y matuto tayong hawakan ang mga bagay nang magaan, upang ang Diyos ay mahawakan nang buong higpit.

II. When We Love Comfort More Than Truth
Kapag mas inuna natin ang pagmamahal sa kapayapaan na walang paninindigan, sa katahimikan kaysa katotohanan, sa kaginhawaan kaysa konsensya.

Ang mauhaw sa katuwiran ay ang pahintulutan ang ating sarili na magambala upang makialam sa mga usaping may kinalaman sa kabutihang pangmadla.

Ito ay ang pagmamahal sa tama kahit may kapalit—mga kaibigan, kasikatan, o pansariling pakinabang.

Ayon kay Sto. Tomas, "love is not neutral—it pulls us, shapes us, defines us." Inaanyayahan tayo ng ebanghelyo na matutong umibig nang wasto—upang ang minamahal natin ay maghatid sa buhay, hindi sa kapahamakan.

*Ikaapat na Linggo sa Karaniwang Panahon

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN