Share the Thought by Msgr. Andro
01 February 2026
 
Kapag malinis at malinaw ang tubig, kita mo ang kailaliman. Kapag malinis ang puso, kita mo ang kailaliman ng hiwaga ng Diyos. Isa sa kapalarang banal -- " Mapalad ang mga may malinis na puso sapagkat makikita nila ang Diyos." Ibig sabihin ng "malinis" ay "puro o walang halong kamunduhan." Kapag purong makaDiyos ang puso, lantad ang Diyos. "Who may ascend the hill of the Lord? Who may stand in his holy place? He who has clean hands and a pure heart" (Ps. 24:3-4).

 
 
 
 
 
 
 
Diocese of Lucena dot org                                            All Rights Reserved ©2020
This website is developed and maintained by and for the faithful of the Diocese of Lucena
 
HOME   |   BACK TO TOP    |   LOG IN