 |
| |
| |
| Sa Ibang Salita ni Msgr. Noel |
| 02 February 2026 |
| |
|
Bigay. Sa tradisyon ng mga Judio, ang mga panganay na anak ay nakatalaga sa Diyos kaya dapat tubusin sila ng mga magulang sa pamamagitan ng paghahandog sa templo.
Ang matandang tradisyon na ito sa Lumang Tipan ay nagpapaalaala sa atin na ang lahat ng mayroon tayo ay bigay ng Diyos. Ang paghahandog sa Diyos ay pagkilala na Siya ang pinagmulan ng lahat.
Tuwing tayo ay nagbabahagi sa kapwa, kinikilala natin ang kaloob ng Diyos sa isa ay kaloob Niya sa lahat. "God's gift to one is also God's gift to everyone." Ang pag-aalay sa Diyos ay pagbabalik ng regalong sa Kanya rin nagmula.
*Pebrero 2, Kapistahan ng Paghahandog kay Hesus sa Templo |
|
| |
|
|
|
| |
| |
|
| |
|
| |
|
|